Naligaw ata ako ng pinuntahan na birthday! Debut ung theme ng birthday ng pinsan ko.

DMCI

May katabi ako habang nageexam at ang nakakatuwa dito na kapag nauna syang natatapos bigla syang titingin sa akin.

Sarap sabihin na “Anong gusto mo pabilisan tayo?

Habang naglalakad sa SM Manila

May nakita akong grupo ng mga criminology student at puro nakavarsity t-shirt. Nakikita ko lang sila feeling ko, ako ung naiinitan eh. Long sleeves nga lang na suot ko kanina init na init na ako. Sila pa kaya na mas makapal ang tela?

Sana man lang tuwing rainy season/hanging amihan na lang nila isuot un para mas komportable isuot.

pinagiisipanpabayan replied to your post: pinagiisipanpabayan replied to your post: Mga…

Sana sa Malaysia! Kabibili lang nila ng gas companies dun eh. Doon na rin yata magiging main refinery nila.

Yun ba yung Exxon Mobil? Sana nga. Balak ko din ung Shell kaso hindi naman hiring ngayon.

pinagiisipanpabayan replied to your post: Mga nakaline-up kong kumpanya.

Petron! Malay mo mapunta ka pa sa ibang bansa.

oo. Siya ung pinaghahandaan ko ng todo. Kaso baka madestino ako sa bataan kung sakali.

Mga nakaline-up kong kumpanya.

TOP PRIORITY

OPTIONAL




Dahil hindi na ako nasisiyahan dito sa bakasyon ko kaya magsisimula na akong magapply. Yung ibang kumpanya dyan may alam na ako sa background nila at kung ano-ano ang mga inooffer nila. Sa lagi ko pa naman pagbabasa ng business news ay lagi akong updated.

May iba naman na kailangan gawan ko ng background check kasi hindi naman sila publicly listed company kaya wala gaanong update sa kanila.




Kanser sa oral sex

MANILA, Philippines - Nakaka-kanser umano ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng oral sex sa kanilang ka-partner o asawa na may “genital warts”.

Sa Senate Resolution No. 758 ni Senator Miriam Defensor-Santiago, tinukoy ang ulat ng Philippine Medical Association (PMA) at Philippine Dental Association (PDA) na nagsasabing mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng kanser ang isang nakikipag-oral sex kaysa mga umiinom ng alak o naninigarilyo.

Siyam na beses din umanong mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng kanser sa tonsil, lalamunan at dila ang mga taong mahigit pa sa lima ang naka-oral sex.

Sa pag-aaral ng UP Population Institute na umaabot sa 4.23 milyong Filipino na may edad 15 hanggang 24 ang aktibo na sa sex at 20 porsi­yento sa mga ito ang hindi gumagamit ng proteksiyon.

Kung pagbabatayan umano ang edad, mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng oral cancer ang mga kabataan na aktibo na sa oral sex.

Hindi rin ligtas ang mga lalake sa oral cancer lalo na umano kung hindi gumagamit ng proteksiyon ang mga ito katulad ng condom.

Konting ingat mga sir lalo na sa miyembro ng third sex. 

(Source: philstar.com)

Pumunta ako kanina sa satellite office nila para bumili ng ticket sa oath taking. Saka ko chineck ko na din kung magkano membership fee sa kanila at laking gulat ko nalang na 1820 pesos un pero for 3yrs na din. Nahiya naman ako sa mama ko kanina na manghingi kasi puro gastos na kami ngayong buwan. Subukan ko nalang bukas para makabuwelo.

Pumunta ako kanina sa satellite office nila para bumili ng ticket sa oath taking. Saka ko chineck ko na din kung magkano membership fee sa kanila at laking gulat ko nalang na 1820 pesos un pero for 3yrs na din. Nahiya naman ako sa mama ko kanina na manghingi kasi puro gastos na kami ngayong buwan. Subukan ko nalang bukas para makabuwelo.

Pumunta ng PRC kanina para icheck ung rating ko pero itong mga guard bigla nalang hinanap ung NOA ko na dati naman hindi nila ginagawa.